Buwanang Ulat ng Ontology — Abril 2024
Punung-puno ng mga aktibidad at tagumpay ang buwan ng Abril para sa Ontology. Mula sa mga kapana-panabik na bagong pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa komunidad hanggang sa mga makabuluhang pag-unlad sa aming teknolohiya, narito ang buod ng mga highlight ng buwang na ito.
Komunidad at Impluwensya ng Web3 🌐🤝
- Paglulunsad ng 10M DID Fund: Naglunsad kami ng 10M na pondo para magkaroon ng malaking tulong sa aming ecosystem ng decentralized identity (DID), na nagsusulong ng pagbabago at paglago.
- Presensya sa PBW: Napakasaya n makita ang marami sa inyo sa PBW! Lubos naming pinahahalagahan ang bawat naging usapan at impormasyong naibahagi.
- Web3 Wonderings: Sa buwang ito, umikot ang ating mga talakayan sa DeFi at NFT, at available ang mga recording para sa mga hindi nakasubaybay sa live na sesyon.
- Pakikilahok sa Token2049: Malaking tagumpay ang aming presensya sa Token2049, napalawak nito ang aming visibility at koneksyon sa loob ng blockchain community.
- Zealy Quest — Ontology Odyssey: Nasimula na ang pinakabagong quest, karagdagan at kapana-panabik na layer ng pakikipag-ugnayan sa loob ng platform.
Mga Update sa Pagpapaunlad/Korporasyon
Mga Milestone ng Pagpapaunlad 🎯
- Ontology EVM Trace Trading Function: 80% na ang natapos, pinapalakas nito ang mga kakayahan sa pangangalakal sa loob ng EVM space.
- Kontrata ng Pagpapalit ng ONT sa ONTD: Nakamit na ang 50% milestone ng pagpapaunlad, pinapasimple nito ang proseso ng pagswap para sa mga user.
- ONT Leverage Staking Design: Nasa 35% na ngayon ang pag-unlad nito, ang development na ito ay nakapokus sa pagbibigay ng mga bagong staking option para sa Ontology community.
“Mga Events at Pakikipag-ugnayan” 🤝
- Tagumpay ng StackUp Part 2: Naging malaking tagumpay ang aming pinakabagong kampanya sa StackUp, salamat sa inyong pakikiisa.
- Bagong Mga Pakikipag-ugnayan: Nakipagdiwang kami sa mga bagong kolaborasyon sa LetsExchange at ang suporta ng GUARDA Wallet para sa ONT at listing ng ONG sa BitGet.
- Mga Giveaway at AMA para sa Komunidad: Punung-puno ng mga interactive na event ang buwan na ito, kasama na ang mga giveaway kasama ang Lovely Wallet at isang AMA kasama ang KuCoin.
Mga Pagpapaunlad ng ONTO Wallet 🌐🛍️
- Available na ang UQUID sa ONTO Wallet: Mas pinadali na ngayon ang mga transaksyon para sa aming mga user dahil accessible na ang UQUID sa ONTO.
- Mga Update sa ONTO Wallet: Naglabas kami ng bagong update sa version para mapahusay ang karanasan ng user.
- Paparating na AMA kasama ang Kita Foundation: Huwag palampasin ang aming AMA kasama ang Kita Foundation, na naglalayong magkaroon ng mas malalim na pag-uusap tungkol sa mga posibleng pakikipagtulungan sa hinaharap.
Mga On-Chain Metrics 📊
- Paglago ng mga dApp: Malakas pa rin ang kabuuang bilang ng mga dApp sa aming MainNet sa 177, nagpapakita ito ng isang masigla na ecosystem.
- Paglago ng mga Transaksyon: Tumaas ngayong buwan ang bilang ng mga transaksyon na may kaugnayan sa dApp ng 773 at ang mga transaksyon sa MainNet ng 13,866, nagpapakita ito ng aktibong paggamit ng network.
Pakikipag-ugnayan sa Komunidad 💬
- Masisiglang Diskusyon: Ang ating mga platform ng social media ay patuloy na punung-puno ng mga masisigla at makabuluhang diskusyon mula sa ating aktibo at masigasig na mga miyembro ng komunidad.
- Pagkilala sa Pamamagitan ng mga NFT: Nag-isyu kami ng mga NFT sa mga aktibong miyembro ng komunidad bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon at paglahok.
**Sundan kami sa social media **
Tumutok sa Ontology sa pamamagitan ng pag-follow sa aming mga social media channels. Ang iyong patuloy na suporta at pakikipag-ugnayan ay mahalaga sa ating tagumpay sa patuloy na pag-umunlad na mundo ng blockchain at decentralized technologies.
Ontology website / ONTO website / OWallet (GitHub)
Twitter / Reddit / Facebook / LinkedIn / YouTube / NaverBlog / Forklog
Telegram Announcement / Telegram English / GitHub / Discord
Ang Abril ay naging isang buwan ng dinamikong paglago at malakas na aktibidad ng komunidad para sa Ontology. Pinapasasalamatan namin ang aming komunidad para sa kanilang patuloy na suporta at inaasahan namin ang isa pang buwan ng inobasyon, kolaborasyon, at paglago. Abangan ang mga susunod na update, at patuloy nating itulak ang mga hangganan ng teknolohiyang blockchain kasama!